SY 25-26, magbubukas sa Hunyo 16 – DepEd

MANILA, Philippines — Sa Hunyo 16, 2025 para sa School Year 2025-2026 ang opisyal nang pagsisimula ng klase sa mga public schools sa bansa, ayon sa Department of Education (DepEd).
Ito ay hudyat nang pagbabalik na ng klase sa bansa sa orihinal na June-March school calendar, na siyang umiiral bago ang pandemic.
Alinsunod na rin ito sa itinatakda ng DepEd Order No. 12, Series of 2025. Ayon sa DepEd, ang paparating na school year ay mayroong 197 school days, kasama na ang End-of-School-Year (EOSY). Nakatakda naman itong magtapos hanggang sa Marso 31, 2026.
Inianunsiyo na rin ng DepEd na ang enrollment at Brigada Eskwela ay nakatakdang idaos isang linggo bago opisyal na magsimula ang klase o mula Hunyo 9 hanggang 13.
- Latest