Nangunguna sa senado at partylist inilabas
MANILA, Philippines — Sa pinakahuling national survey ng RPMD Foundation Inc. kasama ang RPMD News Network Inc., lumutang ang mga matitinding pangalan sa senatorial at party-list race sa nalalapit na midterm elections sa 2025.
Ginawa ang independiyente at non-commissioned na survey mula Marso 25 hanggang 31, 2025 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 5,000 katao sa buong bansa, may ±1% margin of error. Nagtabla sa tuktok ng senatorial survey sina Senator Bong Go (68.3%) at Senator Bong Revilla (67.9%). Sunod sina Congressman Erwin Tulfo (63.1%) at dating Senate President Tito Sotto (62.7%). Sumunod sa 5th spot si Ben Tulfo (58.4%) na patunay sa lakas ng impluwensya ng media sa mga botante.
Hindi rin nagpapahuli sina Congresswoman Camille Villar (55.3%) at dating DILG Secretary Benhur Abalos Jr. (54.6%) na magkatabla sa 6th-7th; Senator Francis Tolentino (52.9%) nasa ika-8 puwesto; Senator Manny Pacquiao (51.5%) at Pia Cayetano (50.7%) para sa ika 9-10 na puwesto sa Magic 12.
Sa 11th-13th, sina dating Sen. Ping Lacson (47.2%), TV host Willie Revillame (46.9%), at Sen. Bato dela Rosa (46.5%). Habang sumusunod sina Mayor Abby Binay (44.8%) at Sen. Lito Lapid (44.6%).
Sa party-list race, nangunguna ang Tingog (7.58%), ACT-CIS (6.32%), Ako Bisaya (6.17%), 4Ps (5.76%), Ang Probinsyano (4.28%), Agimat (3.93%), FPJ Panday Bayanihan (3.65%), Duterte Youth (3.47%), ALONA (3.14%), at Ako Bicol (3.02%).
Pasok din sa mga posibleng makakuha ng puwesto ang Uswag Ilonggo (2.86%), TGP (2.77%), 1Rider (2.64%), Senior Citizen (2.57%), at Promdi (2.32%), Agri (2.28%), PPP (2.26%), 1Pacman (2.23%), Malasakit@Bayanihan (2.19%), Kababaihan (2.16%), Solid North (2.13%), Bicol Saro (2.08%), Cibac (2.06%), at Gabriela (2.05%).
- Latest