^

Police Metro

15 tepok sa lunod sa Semana Santa - PNP

Joy Cantos, Ludy Bermudo - Pang-masa
15 tepok sa lunod sa Semana Santa - PNP
Sa tala ng PNP, hanggang nitong Sabado de Gloria, Abril 19, ay nakapagtala ng 30 insidente ng pagkalunod, banggaan ng mga sasakyan at iba pang mga sakuna.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Naging mapayapa sa pangkalahatan ang paggunita sa Semana Santa sa kabila ng ilang insidente at trahedya kabilang ang naitalang 15 na nasawi sa pagkalunod, ayon sa Philippine National Police (PNP) kahapon.

Sa tala ng PNP, hanggang nitong Sabado de Gloria, Abril 19, ay nakapagtala ng 30 insidente ng pagkalunod, banggaan ng mga sasakyan at iba pang mga sakuna.

Sa rekord ng PNP, mula Abril 13 hanggang Abril 20, 2025, umabot sa 18 kaso ng pagkalunod ang naitala sa iba’t ibang rehiyon at ilang insidente ng banggaan ng mga sasakyan sa Metro Manila at Cagayan Valley (Region 2), Eastern Visayas (Region 8), Zamboanga Peninsula (Region 9) at kaso ng panununog sa Negros Island.

Sa 18 insidente ng pagkalunod, 15 dito ang nasawi, dalawa ang sugatan at isa ang nakaligtas, ayon sa datos ng SUMVAC 2025 Incident Monitoring Database.

Hindi tinukoy sa ulat kung kabilang sa death toll ang Grade 8 student na si Zarvil Mario Bersabe, 13-anyos ng Brgy. Pasong Tamo, Quezon City na nasawi sa pagkalunod sa Wawa River, Sitio Wawa, Barangay San Rafael, Rizal nitong Huwebes Santo.

Samantala, upang mabantayan ang seguridad ng publiko sa panahon ng Semana Santa ay nag-deploy ang PNP ng nasa 68,465 personnel sa buong bansa sa ilalim ng Ligtas Sumvac (Summer Vacation) 2025 operational plan.

“With millions of Filipinos expected to travel and congregate in churches, pilgrimage sites, transport terminals, beaches, commercial centers, and other public areas, the PNP intensified its presence and operations nationwide,” pahayag ni PNP chief P/General Rommel Francisco Marbil.

PNP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with