^

Police Metro

5 ‘kidnaper’ ni Que hawak na ng PNP

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasa kustodya na ng Philippine National Police (PNP) ang lima sa mga suspect sa pagdukot at pagpatay sa negosyanteng si Anson Que at driver nito na itinapon ang mga bangkay sa Rodriguez, Rizal.

Ang bangkay ni Que, steel magnate at driver nitong si Armanie Pabillo ay nadiskubre sa Sitio Odiongan, Brgy. Macabud, Rodriguez, Rizal sa loob ng industrial nylon bags, iginapos ang mga kamay at paa saka ibinalot pa ng duct tape sa kanilang mukha noong Abril 9.

Sa press conference sa Camp Crame nitong Sabado bandang alas-5 ng hapon, kinilala ni PNP Spokesperson P/Brig. Jean Fajardo ang tatlo sa mga suspect na sina David Tan Liao, Ricardo Austria Garcia, driver ni Liao; Raymart Catequista. Sila ay isinailalim na sa inquest proceeding sa Department of Justice ( DOJ) sa kasong kidnapping with murder.

Dalawa sa mga suspect ay nasakote sa Roxas, Palawan nitong Biyernes Santo bandang alas-3 ng madaling araw habang tatlo naman ang sumuko. Ang iba pa sa mga suspect ay kinilala naman sa mga alyas na Amay at Tabako.

Lumilitaw na ang mga biktima ay itinago ng mga suspect  sa  #345 Marta Street, Brgy. Langka, Villacor Village, Meycauyan City, Bulacan noong Abril 16 kung saan ilang mga kritikal na ebidensya ang nakumpiska sa lugar kabilang dito ang DNA sample na nag-match kay Pabillo.

Nakuha rin sa lugar ang sombrero at sapatos ni Pabillo sa pinagtaguan ng mga suspect habang ang kulay pulang Ford Everest na gamit ng mga suspect ay siya ring ginamit sa pagtatapon ng bangkay ng mga biktima sa Rodriguez, Rizal. Dalawa pang Chinese ang pinag­hahanap at inaalam na rin kung sino ang mastermind sa krimen.

Samantalang lumilitaw rin sa imbestigasyon na ang kidnap-slay ni Cong­yuan Guo, mas kilala bilang Anson Tan o Anson Que ay hindi umano isang kaso ng kidnapping for ransom manapa’y bunga ng $20 milyong offshore gaming deal nito.

DOJ

PNP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with