^

Police Metro

Higit 8K-pahinang ebidensya vs Duterte ihahain sa ICC

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Maghahain ang prosekusyon ng 8,565 na pahina ng ebidensya laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa harap ng International Criminal Court (ICC).

Sinabi ni  ICC Prosecutor Karim Khan na bukod dito, gagamit din ang prosekusyon ng visual at audio evidence; 9 na litrato at halos 16 oras ng video mula 30 file.

Ito ang sinabi ni Khan sa kanyang tugon noong Abril 4 sa mga hukom ng Pre-Trial Chamber tungkol sa pagsasagawa ng pagdinig para sa kumpirmasyon ng mga kaso. Isang redacted (may mga bahagi na tinakpan) na bersyon ang isinapubliko noong Abril 15.

Gayunman, binigyang-diin ng pro­secutor na ang nabanggit na ebidensya ay bahagi lamang ng kabuuang ebidensyang gagamitin sa kumpirmasyon ng mga kaso.

Nauna nang naglabas ang prosekus­yon ng 181 item na may kabuuang 2,787 pahina para sa kampo ni Duterte ay may 160 pa item kabilang  na ang 15 video file na may halos anim na oras ng kabuuang tagal, ay maaaring ilabas simula Abril 7.

Samantala, binigyan ng ICC ng hanggang Hulyo 1, 2025 ang prosekus­yon para magprisinta ng mga ebidensya na gagamitin para sa “confirmation hearing” sa Setyembre 23, 2025 ng kasong “crimes against humanity” laban kay dating ­Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang kautusan ay nilagdaan ni ICC pre-trial Chamber 1 Judge Julia Antoanella Motoc, Judge Reine Adélaïde Sophie Alapini-Gansou, and Judge María del Socorro Flores Liera na sila rin nagtakda ng timeline para sa aktibidad para sa confirmatin hearing.

ICC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with