^

Police Metro

Trust at approval ratings ni Marcos, bumagsak; VP Sara tumaas

Mer Layson - Pang-masa
Trust at approval ratings ni Marcos, bumagsak; VP Sara tumaas
President Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. and Vice President Sara Duterte on January 25, 2024.
STAR / KJ Rosales

MANILA, Philippines — Sa isinagawang ­survey ng Pulse Asia Research noong Marso ay bumulusok ang trust at performance ratings ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Base sa resulta ng March 2025 Ulat ng Bayan survey ng Pulse Asia, bumaba ang approval rating ng pangulo ng 17 percentage points o mula sa 42% noong Pebrero ay naging 25% na lamang noong Marso.

Samantala, tumaas naman ang kanyang disapproval rating ng 21 puntos at naging 53%. Nabatid na nagkaroon ng pinakamalaking pagbaba sa performance rating ng pangulo sa National Capital Region (NCR) na nasa 24 percen­tage points, sinundan ng Balanced Luzon, Mindanao at Visayas.

Sa socioeconomic classes naman, nakapagtala siya ng pinakamalaking pagbaba sa public approval rating sa mga kabilang sa Class D, sinundan ng Class E, at Class ABC.

Samantala, malaki rin ang ibinaba ng trust rating ng pangulo na mula sa dating 42% noong Pebrero ay ­naging 25% na lamang noong Marso.

Tumaas naman sa 54% ang bilang ng mga Pinoy na nagpahayag ng kawalang tiwala sa pa­ngulo, kumpara sa dating 32% lamang.

Nabatid na nakapagpatala ng pinakamala­king pagbaba sa trust rating ang pangulo sa NCR na nasa 24 percentage points, na sinundan ng Balanced Luzon, Mindanao at Visayas.

Nakapagtala naman siya ng pinakamalaking pagbaba sa trust rating sa mga kabilang sa Class D, kasunod ang Class E, at Class ABC.

Samantala, si Vice President Sara Duterte lamang naman sa lahat ng mataas na opisyal ng bansa ang nakapagtala ng pagtaas ng kanyang performance ratings, kung saan ang kanyang approval rating ay tumaas sa 59% mula sa dating 52% lamang, habang bumaba ang kanyang disapproval rating mula 26% at naging 16% na lamang.

Tumaas din ang kanyang trust rating ng walong puntos o mula sa 53% lamang noong Pebrero ay naging 61% na noong Marso.

FERDINAND MARCOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with