Suplay ng P29/kilo ng bigas sa Kadiwa stores, triniple

MANILA, Philippines — Tatlong beses na dinoble ng pamahalaan ang suplay ng bigas na P29 kada kilo para sa mahihirap at vulnerable na mga pamilya sa mga Kadiwa stores.
Sinabi ni National Food Authority (NFA) Administrator Larry Lacson na inatasan ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang pagtaas ng alokasyon ng P29/kilo na bigas mula 10 kilo tungo sa 30 kilo kada buwan na maaaring bilhin ng bawat mahirap na Pilipino.
Maliban dito, ayon kay Lacson, pinalawak din ng Department of Agriculture (DA) ang saklaw ng kanilang P29/kilo rice program sa pamamagitan ng pagdagdag ng mas maraming tindahang Kadiwa sa buong bansa.
Matatandaan na noong nakaraang taon, inilunsad ng DA ang isang malawakang trial ng P29 rice program, isang inisyatibong pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na layuning magbigay ng dekalidad na bigas sa halagang P29 kada kilo para sa tinatayang 6.9 million “vulnerable households,” na kinakatawan ang tinatayang 35 million Filipinos.
- Latest