^

Police Metro

‘Guidance Designate’ pinadaragdagan vs bullying sa mga eskwelahan

Malou Escudero - Pang-masa
‘Guidance Designate’ pinadaragdagan vs bullying sa mga eskwelahan
Students of Rafael Palma Elementary School march during their graduation ceremony in Manila on April 14, 2025.
The Philippine STAR / Edd Gumban

MANILA, Philippines — “Dagdagan ng mga ‘guidance designates’ sa mga pampublikong ­paaralan upang ­matugunan ang mga insidente ng ­bullying.”

Ito iminumungkahi ni Senador Win ­Gatchalian sa isang pagdinig ng Senate Committee on Basic Education, kung saan tinalakay ang mga insidente ng bullying at karahasan sa mga ­paaralan.

Ang mga guidance designate ay mga guro na inaatasang gampanan ang mga tungkuling may kinalaman sa pagpapatupad ng guidance services.

Hinimok din ng mambabatas ang Department of Education (DepEd) na repasuhin ang ideal ratio ng mga guidance designates sa mga mag-aaral.

Sa kasalukuyan, isang guidance designate o guidance counselor ang itinatalaga kada 500 na mag-aaral. Batay sa ­datos ng DepEd, 10,412 sa 45,326 na mga ­paaralan ang walang guidance ­designate noong School Year 2024-2025.

Bagama’t naninindigan si Gatchalian na mahalagang mawala sa mga guro ang mga ­non-teaching tasks, iti­nuturing niya ang ­pagdagdag ng mga guidance designates bilang isang pansamantalang solusyon habang hindi pa natutugunan ang kakulangan ng mga guidance counselors.

SCHOOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with