^

Police Metro

3 grupo ng mga negosyante umapela sa PNP

Doris Franche-Borja - Pang-masa

Hustisya kay Que, driver pinabibilisan

MANILA, Philippines — Sumisigaw ng hustisya ang Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI), Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII) at Philippine Exporters Confede­ration (PhilExport) sa pagdukot at pagpatay sa negosyanteng si Filipino-Chinese businessman Anson Tan, kilala rin sa pangalang Anson Que at driver nitong si Armanie Pabillo.

Sa inilabas na joint statement ng PCCI, FFCCCII at PhilExport, hindi lamang isang ordinaryong krimen ­kidnap-slay kay Que kundi dagok at mala­king insulto sa peace and order ng bansa. 

Maituturing din itong hamon sa kakayahan ng Philippine National Police (PNP) na sugpuin ang mga heinous crimes.

Hangad ng mga negosyante na ma­bigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Que na isang steel magnate at kilalang philanthropist at may malasakit sa ­kapwa. Isang responsab­leng ama at tauhan naman si Pabillo. Dekada nang ­nagnenegosyo si Que na kilala sa Filipino Chinese Community.

Payo ng mga negos­yante sa PNP, agad na papanagutin ang nasa likod ng kidnap-slay kay Que dahil may malaking epekto ang peace and order sa mga nais na mamamuhunan sa bansa gayundin sa turismo.

Dapat na ipakita ng pamahalaan at PNP na ligtas pa rin ang bawat indibiduwal sa bansa.

PNP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with