^

Police Metro

Tuturuan ko maging ‘watchdog’ ang taumbayan! – Ben BITAG Tulfo

Pang-masa

CAGAYAN DE ORO, CITY — Hinikayat ni Ben BITAG Tulfo ang mga negosyante na myembro ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) na manindigan at huwag matinag at ilantad ang maling sistema.

Sa isang press conference, sinabi ni Ben BITAG Tulfo, “kapag walang magrereklamo, walang mabibisto! Walang masasampahan ng kaso! Kaya tuluy-tuloy ang maliligayang araw ng mga dorobo.”

Sa pag-iikot ni Ben BITAG Tulfo simula noong nakaraang taon mula Cagayan De Oro City, Cebu at Maynila, mga myembro ng PCCI, may problema sa pagpapatupad ng ‘The Ease of doing Business” -- Republic Act 11032.

Ayon sa mga negos­yanteng lumapit sa senatorial candidate na ayaw lumantad, ayaw nilang mabansagang ‘trouble maker’ at mapag-initan ng lokal na pamahalaan kung nasaan ang kanilang negosyo.

Sa sumbong ng ilang mga negosyante, ayaw nilang maperwisyo kaya minabuti nalang manahimik at tanggapin ang maling sistema.

Ang sagot naman ng senatorial aspirant, “evil triumphs when good men do nothing. Kapag ­nanatili ang ganitong klaseng sistema, pamumugaran na tayo ng mga dorobo sa mga tanggapan ng gobyerno.”

Seryoso si Ben BITAG Tulfo, na kapag siya’y nahalal sa Senado na magbubuo siya ng mga regional watchdog sa tulong ng mga media na pangungunahan ng kaniyang tanggapan sa Senado.

 

BEN TULFO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with