Obrero dedo sa suntok ng kainuman
Nabagok ang ulo sa semento
MANILA, Philippines — Isang construction worker ang nasawi nang mabagok ang ulo matapos na suntukin sa mukha ng kanyang kainuman sa Antipolo City, nabatid kahapon.
Kinilala ang biktima na si alyas ‘Rene’, 37, residente ng Brgy. San Roque,
Antipolo City habang nakatakas at pinaghahanap na ng mga otoridad ang suspek na si alyas ‘Roel’.
Sa ulat ng Antipolo City Police, alas-11:30 ng gabi ng Linggo, Abril 13, nang maganap ang in-
sidente sa Brgy. San Roque ngunit naiulat lamang dakong alas-3:00 ng hapon ng Lunes, Abril 14.
Bago ang insidente ay nag-iinuman ang biktima at suspek sa naturang lugar nang sa ‘di pa mabatid na kadahilanan ay bigla na lang nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan na nauwi sa mainitang pagtatalo.
Sa kasagsagan ng pagtatalo ay sinuntok ng suspek sa mukha ang biktima, na nawalan ng balanse at nabagok ang ulo, at saka ito iniwanan.
- Latest