^

Police Metro

Bong Go: FPRRD inalisan ng dangal, Pinas tinanggalan ng dignidad

Pang-masa

MANILA, Philippines — “Hindi lang nila tinanggalan ng dangal si Tatay Digong, kundi tinanggalan din ng dignidad ang buong bansa.”

Ito ang naging sentimyento ni Senator Christopher “Bong” Go sa pagdinig ng Senate committee on foreign relations ukol sa pag-aresto at pagsusuko kay ­dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC).

Ayon kay Go, kitang-kita ang kalkuladong galaw at pag-execute ng mabilis na pagdakip sa dating Pangulo at hanggang ngayon ay hindi pa rin nasasagot ang mga ligal na tanong sa nangyari.

“Let’s call a spade a spade. Gusto talaga nilang i-surrender sa ICC si Tatay Digong. Wala na pong palusot. Halatang-halata. Mabilis pa sa alas kwatro ang kilos nila,” ani Go sa hearing na pinamunuan ni Presidential sister Imee Marcos.

“Madam Chair, ­marami pong tanong ang hindi pa rin nasasagot. Kung hindi kinikilala ng gobyerno ang ICC, bakit biglang sinunod ang utos nito? Ginamit lang bang palusot ang Interpol? E wala namang Red Notice. Bakit parang palihim at minadali ang lahat?” sabi pa ni Go sa ikatlong pagdinig na dinaluhan nina Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo, Philippine National Police (PNP) chief, Gen. Rommel Marbil, at iba pa.

Idiniin ni Go na batay sa sariling website ng Interpol, may 11 Filipino nationals na kasaluku­yang may “Red Notices” subalit ni isa sa mga ito ay hindi ­dumanas ng katulad na aksyon laban kay Duterte.

RODRIGO DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with