83 kaso ng paglabag sa karapatang paggawa kinondena
MANILA, Philippines — Kinondena ng TRABAHO partylist ang inilabas na ulat kamakailan na nagtala ng 83 kaso ng paglabag sa karapatang paggawa sa buong bansa. Nangako ang grupo na makipagtulungan sa mga ahensya ng gobyerno, mga unyon ng manggagawa, at mga pribadong sektor upang mas maprotektahan at maipatupad ang karapatan ng mga manggagawa.
Batay sa ulat ng Federation of Free Workers (FFW) at Danish Trade Union Development Agency (DTDA), kabilang sa mga paglabag ay ang ilegal na tanggalan, hindi pagbabayad ng tamang sahod, panliligalig sa mga unyonista, at pagsupil sa karapatang makipag-collective bargaining. Ipinapakita ng datos ang malalim at matagal nang mga sistematikong suliranin na kinakaharap ng parehong formal at informal na sektor ng paggawa.
Sa pahayag ni Atty. Mitchell-David L. Espiritu, tagapagsalita ng TRABAHO Partylist, na may mga planong inihain ng grupo ang mas malapit na pakikipag-ugnayan sa Department of Labor and Employment (DOLE) upang repasuhin at palakasin ang mga mekanismo ng pagmamanman sa mga paglabag, pagpapabilis ng pagtugon sa mga reklamo, at pag-oorganisa ng mga labor summit na lalahukan ng mga kinatawan ng unyon, employer, NGO, at mga grupong makatao para bumuo ng mga polisiya at estratehiyang pangproteksyon sa manggagawa.
- Latest