‘Global Albay vision’ ni Salceda, magsisimula sa Legazpi City

MANILA, Philippines — Inihayag ni Albay 2nd District Rep. Joey Sarte Salceda na ang kanyang ‘Global Albay’ pananaw sa progreso ay magsisimula sa lungsod na ito na may mahigit na 200,000 kataong populasyon. Ang Legazpi City ang ‘provincial capital’ ng Albay at ‘regional center’ ng Bikolandiya. Ang pahayag na ito ay sinabi ni Salceda sa paglunsad nitong linggo sa kanyang kampanya sa pagka-gubernador ng kanyang lalawigan sa Legazpi Sawangan Park, Puro Beach, kung saan sinabi niyang ang pag-unlad ng Legazpi ang nagbibigay direksiyon sa pagsulong ng Albay. “Binhibigyan ng Legazpi ng trabaho ang ating mga mamamayan, mercado para sa ating mga produkto, puhunan para sa mga negosyo, at mga paaralan para sa ating mga kabataan.
Ito ang binate sa ating mga kalooban,” paliwanag ng mambabatas. “Ang larawan ng Legazpi City, kasama ang ganda ng Bulkang Mayon at ang baybayin ng Albay Gulf, kung saan makikita pa ang iniwang mga pamana ng mga Amerikano ay sadyang pinanabikan ng libo-libong mga turistang dumadalaw sa Albay. Ang kakayanan ng Legazpi ay kasing lakas at tibay ng sa Albay,” diin niya. Wala anyang ‘Global Albay’ kung walang ‘Marangal na Legazpi’ na sadyang nakalaang maging kilala sa mundo at kung saan nakabase ang Albay Chamber of Commerce and Industry, ang ikalawang pinakamatandang ‘chamber of commerce’ sa Pilipinas bunga ng mayamamg industriya ng abaka sa bansa. Nauna nang nakilala ang Legazpi bilang ‘Pinakamalinis na Lungsod’ sa Pilipinas at gtnawa itong ‘Administrative Capital’ ng Bicol at naging sentro ng ‘Bicol Arts and Culture’ at pinagmulan ng malawakang kilala ngayong ‘Ibalong Festival.’ Pinuna ni Salceda na sa nakaraang dalawang dekada kung kailan “nagkatugma ang pananaw ng mga lider ng Albay, naranasan ng Legazpi ang napakabilis na pagsulong ng mga impraestrakrtura at ekonomiya.” “Sa ganang akin, naipagawa ko ang maraming karsada na nag-uugnay sa lungsod at mga bayan-bayan at mga barangay nila; sa bagong Albay International Airport (BIA), at mga ‘tourism sites.’
Napalaki at napawak din natin ang kapasidad ng ‘Bicol Regional Hospital and Medical Center’ (BRHMC), naipatayo ang ‘Bicol Cancer Center,’ ‘Bicol Heart Center,’ at ang ‘Bicol University College of Medicine,” paliwanag niya. “Nagawa din nating moderno ang mga pasilidad ng Bicol University,’ ang ‘Legazpi City National High School’ at naipagawa ang mga panlipunang impraestraktura, kas ana ang 58 ‘covered courts,’ mga pangkalusugang pasilidad, 140 silid aralan, at mga ‘evacuation centers,’” sabi niya. “Mula sa pagkakaglugmok dulot ni ‘Supertyphoon Reming’ nang ako’y gubernador, nagawa naming tugunan ang hamon at pinsalang gawa ng dose-dosenang malalakas na bagyo na walang namatay. Matagumpay din naming natawid na mga nakakakilabot na mga hamon ng ‘COVID-19 pandemic,” dagdag niya. Ayon kay Salceda, Malaki ang naging pakinabang ng Legazpi nang may panakamalaking bilang ng mga miyembro sa Kamara – 6 na kinatawan sabay-sabay. “Kaya inaamuki ko ang lahat na magkaisa tayo upang maging sento tayo ng Pambansa at pandaigdigang komersiyo,” apela niya.
- Latest




















