^

Police Metro

Mag-ingat sa job scam - TRABAHO

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ngayong April Fool’s Day, ­nagbabala ang TRABAHO Partylist sa publiko na mag-ingat sa mga job scam dahil sa tumataas na insidente ng nabibiktima ng halos magkakamukhang estilo ng panloloko.

Karamihan sa mga nabiktima ay ina­lukan umano ng magandang buwanang pasahod pati na rin komisyon para sa mga work-from-home task, kung saan ang mga biktima ay napapaniwalang kailangan muna nilang magtop-up o mag-abono para ma-withdraw nila ang kanilang libu-libong sweldo.

Sa mga unang task ay tunay na naka-withdraw pa sila ng sweldo kung kaya’t lalo silang naengganyo na ipagpatuloy ang kanilang tinatawag na mga task o misyon. Kinalaunan na lamang nila napagtanto na sila ay nabiktima na ng scam kung kailan malaki na ang kanilang nadeposito na hindi na nila ma-withdraw.

Upang matulungan ang mga nag­hahanap ng trabaho at maiwas sila sa mga panloloko ay linggu-linggong nagbibigay ng job fair alert ang grupo sa Facebook page nito na 106 TRABAHO Party List.

Maliban sa pagbibigay ng impormasyon ukol sa mga lehitimong job fair, batid ng TRABAHO partylist na importanteng maturuan ang publiko kung paano suriin ang mga inaalok na trabaho upang malaman kung ito ay lehitimo o scam.

PARTYLIST

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with