^

Police Metro

Grade 8, tinodas ng klasmeyt na bading sa classroom

Ludy Bermudo - Pang-masa

Hindi pinahiram ng make-up…

MANILA, Philippines — Isang 14-anyos dalagita na Grade 8 student ang nasawi nang saksakin ng kaniyang kaklaseng diumano’y bading sa loob mismo ng kanilang silid-aralan sa Parañaque City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang nasa­wing biktima na si alyas “Rodelyn”, estudyante ng Moonwalk National High School sa Daang Batang St.. Brgy. Moonwalk, Pa­rañaque.

Arestado naman ng mga pulis at barangay tanod ang suspek na si alyas “CPBB”, 14-anyos, kaklase ng biktima, na ipaghaharap ng kasong homicide.

Sa inisyal na ulat, ala-1:00 ng hapon ng Marso 26, nang maganap ang krimen sa loob ng classroom ng nasabing eskwelahan, habang naka-recess ang klase.

Nabatid na naging ugat sa matagal nang alitan ng biktima at suspek sa hindi umano pagpapahiram ng make-up ng dalagita sa suspek.

Ang isyu ng pambu-bully umano ng suspek ay naisumbong na ng biktima sa inang 53-anyos kaya sinabihan siya na ipara­ting sa guro at guidance counselor, su­balit hindi umano ginawa ng dalagita sa takot na maapektuhan ang kaniyang grade.

Bago naganap ang pananaksak, tinutukan muna ng suspek ng dalang patalim ang biktima kaya’t lumabas ang dalagita upang isumbong sa isang guro na nasa kabilang silid-aralan ang pangyayari.

Nang bumalik ang biktima, sinalubong na siya ng suspek at inunda­yan nang sunud-sunod na saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan sa harap mismo ng mga kaklase.

Nasa pangangalaga na ng Bahay Pag-asa ng Department of Social Welfare and Deve­lopment (DSWD) ang suspek.

KRIMEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with