TRO vs automation election law hiling sa SC
MANILA, Philippines — Hiniling sa Korte Suprema nina social media broadcaster at anti fake news advocates Atty. Mark Kristopher Tolentino at Dr. Michael Raymond Aragon ng Kapisanan ng Social Media Broadcasters ng Pilipinas, Inc. (KSMBPI) ang Temporary Restraining Order (TRO) laban sa ilang probisyon sa Automated Election Law bunsod ng umano’y hindi patas sa ilang kandidato.
Nabatid na naghain ng petition nitong Miyerkules sina Tolentino at Aragon na kumukuwestiyon sa constitutionality ng Section 11 ng Republic Act 8346 na inamyendahan ng Section 13 ng Republic Act 9369.
Ang kaso ay isinampa laban sa Commission on Elections Chairman George Erwin Mojica Garcia, Executive Secretary Lucas Bersamin, Senate President Francis Escudero at Speaker Martin Romualdez.
Nais ng mga petitioner na mag-isyu ng TRO at writ of prohibition ang SC upang ipatigil ang probisyon na labag sa Kontitusiyon at hindi patas sa mga ilang mga kandidato.
Isa sa mga tinukoy ng petitioner ay ang premature campaign ng mga mayayamang kandidato laban sa maliliit na kandidato na maikokonsidera lamang kandidato sa pagsisimula ng kampanya.
- Latest