Rider umiwas sa nakalawit na kable, utas sa trak
MANILA, Philippines — Nasawi noon din ang isang motorcycle rider matapos na masagasaan ng trak dahil sa pag-iwas sa nakalawit na kable ng internet sa Eco-Toirism road na sakop ng Barangay Manggalang Kiling sa Saraiaya, Quezon, kamakalawa ng umaga.
Ang biktima na nagtamo ng grabeng kapinsalaan sa ulo ay kinilalang si “Tony”, 43, may-asawa at residente ng Barangay Lutucan Binay 2, Sariaya Quezon.
Nasa kustodiya ng Sariaya Quezon PNP ang driver ng tractor head truck na si “Andoy”, 44 ng San Pedro, Laguna.
Sa imbestigasyon, alas-5:30 ng umaga ay minamaneho ng biktima ang isang Suzuki smash motorcycle at binabagtas ang highway patungo sa direksyon ng Tiaong, Quezon.
Iniwasan nito ang nakalawit na kable ng internet sanhi upang ito ay mawalan ng balanse at tuluyang matumba sa gitna ng kalye.
Tiyempo namang dumarating ang Manila bound tractor head truck na minamaneho ng suspek at nasagasaan nito ang biktima.
- Latest