Mandaluyong fire: 3-anyos batang lalaki patay, 6 sugatan

MANILA, Philippines — Isang 3-anyos na batang lalaki ang nasawi habang anim ang nasugatan sa naganap na sunog sa isang residential-commercial area sa J.P. Rizal St., Barangay Namayan, Mandaluyong City,kahapon ng umaga.
Natagpuan ang katawan ng bata sa ikalawang palapag ng isang tindahan ng lechon na ginagamit ding tuluyan ng mga trabahador.
Habang kinilala ang apat sa anim na nasugatan na sina Enzo Agustin, 21, at Regie Garce, 55, na kapwa fire volunteer at mga residenteng sina Jandie Ramos Abaluna, 29, at Grace Ann Javido, 54, na nagtamo ng paso at nasa maayos nang kondisyon.
Ayon sa ulat, naiwan mag-isa ang bata habang abala ang kanyang ama sa pagkatay ng baboy.
Nagsimula ang sunog bandang alas-6:38 ng umaga at umabot sa second alarm pagkalipas ng dalawang minuto. Nasunog din ang stockroom ng tindahan at isang katabing junk shop.
Naapula ang apoy bandang alas-8:18 ng umaga. Patuloy ang imbestigasyon sa sanhi ng sunog at halaga ng pinsala
- Latest