^

Police Metro

‘Top performing legislators’ sa NCR, nakuha ni Taguig Rep. Zamora

Mer Layson - Pang-masa
âTop performing legislatorsâ sa NCR, nakuha ni Taguig Rep. Zamora
Congresswoman Amparo Maria “Pammy” Zamora
House of Representatives Facebook page

MANILA, Philippines — Nakakuha ng malaking suporta mula sa mga mamamayan ng Taguig City si Congresswoman Amparo Maria “Pammy” Zamora na isang re-electionist sa darating na eleksyon. Tumanggap ng suporta si Zamora sa kabila ng kinakaharap niyang pressure mula sa kaniyang katunggali at mga negatibong propaganda laban sa kaniya.

Si Zamora na tumatakbo bilang independent candidate sa ikalawang distrito ng Taguig ay anak ni dating San Juan congressman Ronaldo “Ronnie” Zamora.

Kinilala si Rep. Pammy Zamora bilang isa sa mga top-performing legislators sa National Capital Region. Sa isinagawang yearlong 2024 assessment ng RPMD Foundation Inc. (RPMD) at RPMD News Network Inc. (RPMD News).

Ginawa ang pag-aaral sa ilalim ng ‘Kasama Tayo sa paglilingkod at mga programang ng gobyerno’ initiative, na sumusukat sa pagiging epektibo ng mga mambabatas ng kanilang nasasakupang distrito, pagi­ging produktibo sa kongreso at serbisyo sa kanilang constituents.

Partikular na tinututukan ng mga serbisyo ni Zamora ang mga mahihirap at disadvantaged sa kabila ng mga atake laban sa kaniya ng mga katunggali sa May 2025 elections.

AMPARO MARIA “PAMMY” ZAMORA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with