^

Police Metro

2 lola inaresto sa pagbebenta ng gamot na pampalaglag

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dalawang lola ang ina­resto ng mga pulis sa aktong nagbebenta ng mga gamot na pampalaglag sa Quiapo, Maynila, kamakalawa.

Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Merlita Cayanan, 65, biyuda, ng Brgy. Commonwealth, Que­zon City; at Veronica Borja, 56, ng Quiapo, Maynila.

Sa ulat ng Manila Police District (MPD), alas-3:06 ng hapon nang ikasa ang operasyon sa pangununa ni PCapt. Joel Aquino, ng MPD District Intelligence Division (DID), sa Quezon Boulevard, kanto ng Paterno St., Quiapo.

Nakumpiska sa mga suspek ang apat na Rotec tablet, P500 marked money at isang plastic na naglalaman ng walong tabletang puti at isang papel na nakasulat kung papaano iinumin ang gamot.

Bago ang pag-aresto, nakatanggap ng tip ang mga otoridad hinggil sa laganap na bentahan ng tabletang pampalaglag, sa halagang P500 kada tableta.

Sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9711 o Food And Drug Administration Act of 2009 sa piskalya ang dalawang lola.

ABORTION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with