^

Police Metro

Index crime sa Metro Manila, bumaba ng 37.06%

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Iniulat kahapon ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na malaking porsyento ang ibinaba ng krimen sa Metro Manila nitong Pebrero kumpara sa katulad na panahon noong nakalipas na taon.

Nasa 343 ang dami ng krimen sa buwan ng Pebrero 2025 na may 37.06% o 202 kaso na mababa kumpara sa parehong panahon noong 2024 na nasa 545.

Iniuugnay ng NCRPO ang pagpapahusay na ito ay dulot ng intelligence-driven operations, pagtaas ng presensya ng pulis, mas malakas na ugnayan at pakikipagtulungan sa komunidad.

Nabatid na nakapagtala ang MM ng 18 kaso ng murder, na bumaba ng 41.94 % sa dating 31 kaso; homicide na bumaba ng 25.00% mula sa 12 na ngayon ay 9 lamang; physical injuries na dating 57, ngayon ay 29; rape na bumaba ng 49.45%, mula 91 sa 46 na kaso; robbery na 33.73% ang ibinaba o 83 dati at ngayon ay 55 kaso; at theft na mula 229 ay 152 kaso na lang o pagbaba ng 33.62%.

Carnapping naman ay bumaba ng 57.14%, motorcycle carnapping na 11.43%.

Naging epektibo ang crime solution sa NCRPO na umangat mula 67.71% na ngayon ay 76.38%.

NCRPO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with