^

Police Metro

Pro Marcos mas marami kaysa Duterte

Mer Layson - Pang-masa
Pro Marcos mas marami kaysa Duterte
In this handout photo taken and released by New Philippines Alliance party on February 15, 2025, Philippine's President Ferdinand Marcos addresses a campaign rally ahead of May mid-term elections, at a park in Carmen city of Davao del Norte province in southern island of Mindanao. President Ferdinand Marcos put Beijing firmly centre stage on the campaign trail on February 15, saying his predecessor's administration was all too happy for the Philippines "to be a province of China".
New Philippines Alliance Party via AFP

MANILA, Philippines — Mas nakararaming Pinoy umano ang nakasuporta sa administrasyong Marcos kumpara sa mga Duterte at kanilang mga kaalyado sa politika.

Ito ang lumitaw sa pinakahuling Tugon ng Masa (TNM) survey na isinagawa ng OCTA Research noong nakaraang buwan.

Batay sa naturang survey, 36% ng adult Filipinos ang sumusuporta sa administrasyon ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. habang 18% lamang ang pro-Duterte.

Samantala, mayroon namang kabuuang 26% ang nagsabi na wala silang sinusuportahan sa dalawang kampo; 12% ang tumangging sumagot o hindi alam ang sagot sa tanong at walong porsiyento ang nagsabing nakasuporta sila sa oposisyon.

Nabatid na ang bilang ng Marcos’ supporters ay bumaba ng dalawang puntos mula sa August 2024 report habang bumaba rin ng tatlong puntos ang mga supporters ng mga Duterte.

Sa kabila nito, sinabi ng OCTA na ang naturang numero para sa mga tagasuporta ng mga Marcos at Duterte ay itinuturing nilang ‘statistically unchanged’ mula sa 3rd Quarter TNM survey noong Agosto 2024 dahil sa margin of error nito.

 

OCTA RESEARCH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with