VP Sara, naghain ng petisyon sa SC laban sa ikaapat na impeachment case

MANILA, Philippines — Kinuwestiyon ni Vice President Sara Duterte sa Korte Suprema ang validity at constitutionality ng ikaapat na impeachment complaint na inihain laban sa kanya.
Nabatid na naghain ang kampo ng bise presidente ng petition for certiorari and prohibition with urgent application of temporary restraining order and/or writ of preliminary injunction sa Supreme Court (SC) hinggil dito.
Kabilang sa mga respondents sa petisyon ay ang House of Representatives, na kinakatawan ni House Speaker Martin Romualdez; Senado na kinakatawan ni Senate President Francis “Chiz” Escudero; at House Secretary General Reginald Velasco.
Layunin ng petisyon na humingi ng ‘judicial intervention’ mula sa Korte Suprema at harangin ang impeachment complaint laban sa bise presidente.
Nauna na ring naghain ang ilang abogado mula sa Mindanao na humihiling sa SC na ipatigil ang impeachment trial laban kay VP Sara dahil base anila ito sa isang depektibong reklamo.
- Latest