Crime rate sa NCR bumaba – NCRPO
MANILA, Philippines — Inihayag ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na bumaba ng 21.71% ang crime rate sa Metro Manila mula Enero 1 hanggang Pebrero 15, 2025 kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
“For the first 46 days of 2025, cases of 8 Focus Crimes—murder, homicide, physical injuries, rape, robbery, theft, and carnapping—dropped from 852 in 2024 to 667 in 2025, a reduction of 185 cases,” ayon sa NCRPO.
Ang mga kaso ng homicide ay may pinakamalaking pagbaba sa 50%, na sinundan ng mga kaso ng panggagahasa sa 41.57%.
Habang ang mga kaso naman ng physical injury ay bumaba rin ng 38%, mga kaso ng pagpatay ng 34.62% at mga kaso ng pagnanakaw ng 23.08%.
- Latest