DSWD pinuri ni Pangulong Marcos
MANILA, Philippines — Pinapurihan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga staff ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pagbibigay ng “outstanding” at “authentic” na serbisyo publiko upang maibigay ang iba’t ibang tulong sa nangangailangang Pinoy.
Sa kaniyang speech sa 74nd founding anniversary ng DSWD na ginawa sa SMX, kinilala ni Marcos ang kahalagahan ng ahensya sa pagbibigay suporta sa mga Pinoy lalo na ang mga nasa vulnerable communities.
Malaki aniya ang naging papel ng DSWD para maibsan ang kahirapan at malabanan ang kagutuman. Sinabi ng pangulo na saksi siya sa sakripisyo ng mga staff ng DSWD.
Binanggit din ni Pangulong Marcos ng tagumpay ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), na nakatulong ng malaki sa kalusugan at edukasyon ng maraming pamilyang Pilipino.
Kasabay nito ay hinimok ng pangulo ang DSWD na patuloy pang pagbutihin ang social protection initiatives ng pamahalaan gaya ng 4Ps, unconditional cash transfer program, at social pension program.
Pinatitiyak din ni Pangulong Marcos hindi lamang sa DSWD kundi maging sa iba pang ahensya ng gobyerno gawing accessible at available para sa lahat ng mamamayan ang mga serbisyo ng pamahalaan.
- Latest