^

Police Metro

Palaka gagamitin kontra dengue sa isang barangay sa Quezon City

Pang-masa
Palaka gagamitin kontra dengue sa isang barangay sa Quezon City
Frog in a pond.
Image by NickyPe from Pixabay

MANILA, Philippines — Ipantatapat ng lokal na opisyal ng Barangay Old Balara sa Quezon City ang mga palaka bilang panlaban sa tumataas na kaso ng dengue sa lungsod.

Ayon kay Crisanto Franza, Barangay Old Balara chief-of-staff, ipakakalat ang mga palaka sa barangay para kainin ang mga lamok.

Anya, nagawa na nila ito noong nagdaang mga taon at naging epektibo naman dahil bumaba ang bilang ng kaso ng dengue sa kanilang barangay.

“Mostly, lahat ‘yan nilagay namin sa mga kanal, malaking tulong din. Ang mga kinakain nyan is mga langaw, mga eggs, mga lamok. Kaya sa tingin namin, talagang nakatulong yan,” pahayag ni Franza.

Anya, 50 percent ng  kaso ng dengue sa lugar ay nalipol dahil sa pagpapakawala ng mga palaka.

Una nang nagdeklara ng QC LGU ang dengue outbreak noong sabado.

DENGUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with