Mas maraming trabaho tiniyak ni Pasig City mayoralty candidate Sara Discaya
MANILA, Philippines — Sakaling mahalal bilang alkalde ay siniguro ni Pasig City mayoralty candidate Sara Discaya ang paglikha ng mas maraming job opportunities para sa mga residente ng lungsod at pagkakaroon ng good governance.
Ayon kay Discaya, bahagi ng kaniyang priority programs ay ang job and livelihood generation, libreng pagpapagamot sa mga lehitimong taga-lungsod at libreng aral mula kinder hanggang kolehiyo.
Siniguro rin ni Discaya ang pagkakaroon ng inclusive environment at ang mga serbisyo ay pantay na matatanggap ng mga residente.
Sinabi ng mayoralty candidate na makapagbibigay ng mas maraming oportunidad sa trabaho sa pamamagitan ng livelihood projects, pagtatayo ng mas maraming negosyo at pag-invest sa roads at transport infrastructure. Target ni Discaya na magkaroon ng kasunduan sa Department of Labor and Development (DOLE) para maglagay ng training centers sa lungsod na magbibigay ng dagdag na kaalaman sa mga residente para mas mabigyan sila ng tsansa na matanggap sa trabaho.
Sa isang survey na idinaos kamakailan, lumitaw na maraming taga-Pasig ang hindi na interasadong maghalal ng celebrities sa gobyerno at sa halip ay mas nais nila ang pagkakaroon ng good governance.
- Latest