^

Police Metro

DILG chief nagtaning ng 10 araw sa magpinsang Urdaneta mayor at vice mayor Parayno

Joy Cantos - Pang-masa

Upang sundin ang suspension order

MANILA, Philippines — Nagbigay na ng 10 araw na taning si DILG Secretary Jonvic Remulla upang sundin ng magpinsang Urdaneta City mayor Julio ‘Rammy “ Parayno at vice mayor Jimmy Parayno ang isang taong suspension order na iginawad sa kanila ng Malakanyang kaugnay ng kasong grave abuse of authority at grave misconduct na pinirmahan ni Executive Secretary Lucas Bersamin noong Enero 3, 2025.

Sinabi ni Remulla na sa loob ng sampung araw ay solve na ang naturang isyu nakarating sa kanila kahit na naisilbi ng DILG Region 1 ang suspension order ng mga Parayno noong Enero 7, bago pa man ang election period noong Enero 12 ay hindi pa rin umaalis ang magpinsang Parayno sa puwesto bagay na ikinagalit na ng DILG.

Sinabi ni Remulla na naimpormahan na ng DILG ang Commission on Audit, Land Bank at lahat ng ahensiya na legally ay hindi na maaaring pumirma ang mga Parayno.

Ang mga Parayno ay sinuspinde ng 1 taon sa puwesto makaraang mapatuna­yang guilty sa kasong grave abuse of authority at grave misconduct nang illegal na alisin sa puwesto si Punong Barangay Michael Brian Perez bilang pangulo ng Liga ng mga Barangay noong 2022 at palitan ng pinapanigang indibidwal kahit labag ito sa batas.

JONVIC REMULLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with