Impeachment trial vs VP Sara hiniling na itigil
MANILA, Philippines — Hiniling kahapon ng mga abogado at iba pang indibidwal mula sa Mindanao sa Korte Suprema na maglabas ng temporary restraining order laban sa pagsasagawa ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Nabatid na naghain ng 114-pahinang petition for certiorari and prohibition sa Supreme Court (SC) sina Atty. Israelito Torreon, na tumatayo ring legal counsel ni Kingdom of Jesus Christ founder Apollo Quiboloy; Atty. Martin Delgra III, dating pinuno ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board; Atty. James Reserva; Atty. Hillary Olga Reserva, abogado ng Socorro Bayanihan Services Inc. leader na si Jey Rence Quilario.
Sa naturang petisyon, hiniling ng mga naturang abogado na magpalabas ang Mataas na Hukuman ng temporary restraining order (TRO) upang hadlangan ang Senado sa pagdaraos ng impeachment trial.
Hiling pa nila sa SC, ipawalang-saysay o ideklarang ‘null and void’ ang Articles of Impeachment laban sa bise presidente dahil sa pagiging depektibo nito.
- Latest