^

Police Metro

34.2 milyong official ballots para sa May 12, natapos nang iimprenta

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Mahigit 34.2 milyong official ballots para sa 2025 National and Local Elections (NLE) ang natapos nang iimprenta ng Commission on Elections (Comelec).

Batay sa summary ng ballot printing progress na inilabas ng Comelec, nabatid na hanggang Pebrero 18, kabuuang 34,235,042 ang bilang ng opisyal na balota na natapos nilang iimprenta.

Ito ay 47.48% ng kabuuang 72,097,420 official ballots na kailangan nilang iimprenta para sa halalang idaraos sa Mayo 12.

Nangangahulugan ito na kailangan pa ng Comelec na mag-imprenta ng 37,862,378 na balota.

Kumpiyansa naman ang Comelec na matatapos nilang ang ballot printing bago sumapit ang deadline na itinakda nila para dito.

COMELEC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with