^

Police Metro

Lady rider nabangga; nagulungan ng dump truck

Mer Layson - Pang-masa
Lady rider nabangga; nagulungan ng dump truck
Ang 21-anyos na babaeng rider matapos na masalpok at magulungan ang ulo ng dump truck sa naganap na aksidente sa Southbound lane ng Roxas Boulevard, Manila, kahapon.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Agad namatay ang isang babaeng rider nang mabangga at magulungan ng dump truck sa kahabaan ng Roxas Boulevard sa harapang bahagi ng Palacio De Manila, Malate, Manila, kahapon.

Kinilala ang biktima na si Angelica Mojica, 21-anyos, nakatira sa Purok 2 ng Barangay Asisan, Tagaytay City.

Nasa kustodiya naman ng MPD-Traffic Enforcement Unit ang suspek na si Sherwin Darl Q. Laaro, 27-anyos, ng Bubulang Malaki, San Indefonso, Bulacan.

Sa imbestigasyon, alas-6:00 ng umaga ay kapwa binabaybay ng biktima sakay ng kanyang Honda Click motorcycle na my plakang D3 99SN at suspek na minamaneho naman ang Howo dump truck (NAR 1414) ang southbound lane ng ­Roxas Boulevard partikular sa harap ng Palacio De Manila, Malate, Manila nang sila ay magbanggan.

Sa lakas ng pagkakabangga, bumagsak ang biktima at nagulungan pa ng dump truck dahilan para magtamo ng matinding pinsala sa ulo na agad niyang ikinasawi.

AKSIDENTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with