Pumatay sa anak ng NBI agent arestado
MANILA, Philippines — Naaresto ng mga otoridad ang isang lalaking wanted sa pagpatay sa anak ng isang ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) na nadamay lamang sa pamamaril sa isa pang lalaking target sa selosan, sa Malolos City, Bulacan.
Iniharap kahapon sa pulong-balitaan ni NBI Director Jimmy Santiago ang akusadong si John Michael Garcia, na dinakip nitong Pebrero 17, 2025 sa Purok Wakas, Barangay Mambog, Malolos, Bulacan, ng mga ahente ng NBI–Pampanga District Office, sa pakikipagtulungan ng NBI-Technical Intelligence Division (TID), Ilocos Regional Office (IRO), Cordillera Administrative Region (CAR) at Dagupan District Office (DADO).
Ayon sa NBI, napatay ang biktimang si Luke Maraneg, anak ng NBI agent, alas-1:30 ng madaling araw noong Nobyembre 24, 2024 sa Happy Homes, Barangay Ferdinand, Baguio City.
Lumabas na target ni Garcia ang isang Gino Manolo Banta, na pinagselosan umano nito, subalit nang barilin si Manolo ay nadamay si Maraneg na tinamaan ng bala sa katawan na tumagos sa bag nito at sanhi ng kamatayan.
Nabatid na may outstanding warrant of arrest si Banta sa kasong murder at frustrated murder na inisyu ng Baguio City Regional Trial Court Branch 78.
- Latest