Taas-pasahe sa LRT-1 epektibo sa Abril 2
MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) na simula Abril 2, 2025 ay tataas ang pasahe sa Light Rail Transit Line 1 (LRT-1).
Ito ay matapos aprubahan ng Rail Regulatory Unit ng Department of Transportation (DOTr) ang implementasyon ng taas-pasahe.
Batay sa bagong fare matrix, tataas mula P15 patungong P20 ang pinakamurang single journey ticket. Ang maximum fare ay tataas mula P45 patungong P55.
Ang kasalukuyang fare formula para sa LRT-1 ay may P13.29 na boarding fee at P1.21 na dagdag kada kilometro. Tataas ito sa P16.25 na boarding fee at P1.47 na pamasahe kada kilometro ng biyahe.
- Latest