Life hatol sa 9 miyembro ng KFR group
MANILA, Philippines — Habambuhay na pagkabilanggo ang hinatol ng QC Regional Trial Court sa siyam na miyembro ng Amolo kidnap-for-ransom group matapos mapatunayang guilty sa kasong kidnap for ransom kaugnay nang ginawang pagdukot sa isang bank executive na si Ramon Murillo noong June 2008.
Sa kanyang desisyon, bukod sa life imprisonment ay pinagbabayad din ni QC RTC branch 101 Judge Evangelin Marecomen ng branch 101 ang mga akusadong sina Florentino Amolo, Arnold Aquino, Regie Reyes, Edgardo Hernandez, Melchor Herrera, Lino Carangan, Alvin Lacandaso, Reynante Alcazar at Jocelyn Perolino ng tig-P450,000 kaugnay ng kaso.
Ang mga suspek ay naaresto ng PNP PACER sa isang mall sa Pasay City nang magkabayaran ng ransom na P1 milyon mula sa dating hinihinging P50 milyon ransom.
Umaabot lamang sa P850,000 ang nabawi ng mga otoridad sa mga akusado.
- Latest