Doktora pinatay sa loob ng kotse
Nobyo, itinuturing na person of interest
MANILA, Philippines — Patay na nang matagpuan ang isang babaeng doctor nang barilin sa sintido sa loob mismo ng isang kotse sa kahabaan ng Princeton Street, Monterey Village, Naga City, Camarines Sur hapon noong Linggo.
Batay sa mga ulat, kinilala ng Philippine National Police (PNP) sa Naga ang biktima na si Dra. Monette Romualdez, 36-anyos, residente ng Singalong, Maynila at resident doctor sa Bicol Medical Center at itinuturing na person of interest sa pamamaslang ay ang nobyo nito.
Ayon sa ulat, alas-2:45 ng hapon ay nagulat ang napadaang residente nang makitang duguang nakahandusay ang biktima sa passenger seat sa unahang bahagi ng Toyota Vios na kotse na nakahimpil sa naturang lugar at natuklasang ang kotse ay hindi pagmamay-ari ng biktima.
May kasama umano na isang lalaki ang biktima nang pumasok sa nabanggit na behikulo. Sa kopya ng CCTV camera na nakuha ng mga kasapi ng Naga City Police Office, ala-1:30 ng madaling araw ay lumabas ang magkasintahan sa tinutuluyang apartment bago ito natagpuang patay.
- Latest