Bangkay ng kalilibing na 82-anyos lola, dinukot sa nitso
Underwear nawawala
MANILA, Philippines — Isang bangkay ng bagong libing na 82-anyos na babae ang naiulat na ninakaw mula sa libingan nito sa isang public cemetery sa Brgy.San Isidro, Sto. Domingo, Albay, matapos gibain ang nitso saka hinugot ang ataul sa loob at hinatak ang bangkay, kamakalawa ng umaga.
Sa ulat, alas-9:00 ng umaga nagulat ang sepultorero nang madiskubre nitong nasa ibaba at nasa labas na ng nitso ang ataul ni “Lola Maria” at wala na ang bangkay.
Agad nitong ipinagbigay sa barangay at sa Sto. Domingo Municipal Police Station. Magkakasamang hinanap ng mga kaanak, opisyal ng barangay at mga pulis ang bangkay at natagpuan ito may 150-metro ang layo sa loob ng sementeryo. Nakadapa, marumi ang damit at may galos sa mukha ang bangkay na pinaniniwalaang sanhi nang paghatak ng salarin.
Ang palaisipan pa ay natagpuan itong wala ng panty kaya hiniling na isailalim ang bangkay sa autopsy. Wala naman umanong mga mamahaling gamit na isinabay sa paglibing sa biktima maliban sa nawalang ilang piraso ng chocolate na posibleng kinuha ng salarin, rosaryo at iba pa.
Sa pamamagitan ng mga kopya ng CCTV-Camera ay natukoy ang pagkakakilanlan ng suspek. Malinaw umanong nakita ang suspek na lulan ng motorsiklo at walang suot na helmet. Dumating ito at pumasok sa maingate ng sementeryo ala-1:00 ng madaling araw at lumabas ala-1:29 ng madaling araw.
- Latest