‘Tax compliance drive’, pinaigting ng BIR
MANILA, Philippines — Bilang bahagi ng Tax Awareness Month, inilunsad ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang Friendly Tax Compliance Verification Drive (TCVD) nito sa buong bahagi ng bansa kung saan unang araw ay mahigit 24,000 business establishments ang kanilang nabisita.
Ayon kay BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr., magsasagawa ang kanilang kawanihan ng tax education campaign na layuning maituro sa mga negosyante ang kanilang tax obligations at ipinagbigay-alam din niya na walang penalty o multa silang ipapataw.
Sa pag-iikot ng BIR, napag-alaman na kadalasang problema ng ilang business establishments ay ang kawalan ng certificate of registration, hindi paggamit ng book of accounts at maling pag-iisyu ng resibo. Pagbibigay-diin ni Lumagui, ang mga opisyal at tauhan ng BIR ay handang maging katuwang at turuan ang mga negosyante sa tamang pagbabayad ng buwis at hindi maging pabigat sa kanila.
Sinabi ni Lumagui na sa patuloy na education campaign at paggabay nila, tinitiyak ng BIR ay na matutulungan nila ang mga taxpayer upang madaling makasunod at mayroong buong pagtitiwala sa proseso.
- Latest