NTF-ELCAC isusulong maging institusyon-partylist
MANILA, Philippines — Tiniyak kahapon ng Epanaw Sambayanan Partylist na tututok sila sa national security at gagawing institution ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) kasabay ng panawagan sa mga botante na huwag iboto ang mga kandidatong may kaugnayan sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).
Sa isinagawang “Bakit Kayo Sa Kongreso?” Media Forum sa The Tribute Hotel sa Quezon City, sinabi ni Epanaw Sambayanan first nominee Atty. Marlon Bosantog, na kailangang maging permanente ang pananatili ng NTF-ELCAC bilang isang government institution upang mapanatili ang pagsisikap na malabanan ang insureksiyon, lalo na ang pangre-recruit ng NPA
Sinabi naman ni 2nd nominee Lorraine Badoy, na ang CPP-NPA-NDF ay infiltrate na sa maraming sectors ng lipunan, partikular na ang education system ng bansa, kung saan nagagawag maging palaban ang mga mag-aaral.
Matagumpay din aniya ang NTF-ELCAC sa pagsusulong ng Barangay Development Program (BDP) na nagpabago ng kaisipan ng mga komunidad na dati’y naloloko lamang ng mga CPP-NPA-NDF.
Binanatan din ni Badoy ang mga mambabatas na nagbawas sa dating budget ng BDP na P20 milyong piso kada barangay.
- Latest