Senglot na makulit hinambalos ang mukha sa semento, todas
MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang 56-anyos na lalaki matapos na ihambalos ang mukha nito sa semento ng kainumang kapitbahay sa Barangay F. Nanadiego. Mulanay, Quezon, kamakalawa ng hapon.
Kinilala ng ang nasawing biktima na si Miguel Hermita, habang boluntaryo namang sumuko sa mga barangay officials ang suspek na si alyas Angel, 52.
Base sa imbestigasyon, kapwa dumalo at nakipag-inuman ang biktima at suspek sa birthday ng kanilang kapitbahay.
Pagsapit ng alas-4:30 ng hapon ay naging makulit umano ang biktima dahil sa kalasingan kaya’t ipinasya ng suspek na akayin ito pauwi sa kaniyang bahay.
Habang naglalakad ay patuloy umano sa pangungulit ang biktima hanggang mainis ang suspek at makailang beses na pinag-uumpog ang mukha ng una sa sementadong kalye hanggang sa duguang bumulagta na agad nitong ikinasawi.
- Latest