^

Police Metro

Impeachment trial vs VP Sara pinauumpisahan na

Ludy Bermudo - Pang-masa

Petisyon iniakyat sa SC..

MANILA, Philippines — Iniakyat na sa Korte Suprema ang isang petisyon na humihiling na umpisahan na ng Senado ang impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.

Sa petition for mandamus na inihain noong Biyernes ni Atty. Catalino Generillo Jr. sa Mataas na Hukuman, hiniling na maglabas ng writ of mandamus upang ang mga senador ay bumuo ng impeachment court para agad na masimulan ang impeachment case na inihain ng House of Representatives laban sa Bise Presidente.

Una nang itinanggi ni Duterte ang mga alegasyon na kinabibilangan ng iregularidad kung paano ginamit ang confidential funds na alokasyon sa kaniyang tanggapan at iginiit na ang impeachment ay bahagi ng partisan politics.

Nagpahayag naman ang ilang abogado, kabilang ang isang senador at isang dating associate justice ng Supreme Court, na maaaring kailanganin ng Kataas-taasang Korte na magpasya sa mga isyu na may kaugnayan sa impeachment, na tumalakay sa “forthwith” sa pagsasagawa ng pagdinig matapos matanggap ng Senado ang articles of impeachment.

Binigyang-diin ni Generillo na sa probisyon ng impeachment sa Saligang Batas ay ginamit ang “forthwith,” na nangangahulugan na “immediately”, “at once”, “instantly”o “straight away”.

Sa petisyon, sinabi pa ni Generillo na ang mga senador ay hindi naman dumaranas ng anumang disability, physical o mental” na kondisyon na pumipigil sa kanila para magpatawag ng impeachment court.

SARA DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with