5 magpamilya nagsiksikan sa motor, dedo sa truck!
Highway tragedy sa Valentine’s Day
MANILA, Philippines — Limang miyembro ng pamilya ang patay matapos silang masalpok ng humahagibis na truck habang nagsisiksikang sakay ng isang motorsiklo sa highway ng Initao sa Misamis Oriental nitong Biyernes o Araw ng mga Puso.
Sa ulat ng mga barangay officials at ng Initao Municipal Police nitong Sabado, agad namatay ang mga biktima nang salpukin ng rumaragasang truck ang kanilang sinasakyang motorsiklo habang papauwi na sana sa Cagayan de Oro City mula sa naturang bayan.
Sa pahayag ng Police Regional Office-10, siksikang magkakaangkas ang nasabing pamilya sa isang motorsiklo nang mabundol ng isang Isuzu truck habang bumabagtas sa Iligan-Cagayan de Oro Highway sa Barangay Gimangpang ng nasabing bayan nitong Biyernes ng umaga.
Ayon sa mga saksi, nag-overtake ang motorsiklo sa isang kotse at nagawi sa kabilang linya ng highway kaya ito nabangga ng kasulubong na truck.
Sinabi naman ng mga opisyal ng PRO-10 at Misamis Oriental Provincial Police Office, idineklarang dead-on-arrival ng mga doktor sa isang pagamutan ang limang biktima kung saan sila dinala ng mga pulis at emergency responders upang malapatan sana ng lunas.
- Latest