^

Police Metro

Petisyon sa P15 pasahe sa jeep, diringgin na sa Pebrero 19 - LTFRB

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Itinakda na sa Pebrero 19 ang pagdinig sa isang petisyon na gawing P15 ang minimum fare sa mgapampasaherong jeepney, ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kahapon.

“Ang petisyon ay gawing P15 ang minimum fare mula sa kasalukuyang P13,” pahayag ni Joel Bolano, ng LTFRB Techical Division sa isang panayam ng Super Radyo dzBB nitong Sabado.

Ayon kay Bolano, ang nakabinbing petisyon na diringgin sa Miyerkules ay inihain noong pang 2023.
Kaugnay ng nasabing petisyon ang pag-apruba noong Oktubre 2023, ng P1 provisional increase sa minimum fare para sa public utility jeepneys, na ginawang P13 mula sa P12 singil sa pamasahe sa traditional jeepneys at ginawang P15 ang  sa modern jeepneys mula sa P14.

Noong nakalipas na buwan nang magpahayag ang LTFRB na pinag-aaralan na nila ang nakabinbing petisyon ng iba’t-ibang transport groups na makapagtaas sila ng singil sa minimum fare.

Masusing sinusuri at isinasaalang-alang ng LTFRB ang trend sa presyo ng gasolina, inflation rates, at ang pangkalahatang epekto sa ekonomiya sa riding public, ayon sa ahensya.

FARE HIKE

LTFRB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with