Misis, 18-anyos lover nahuli ni mister sa Araw ng mga Puso
MANILA, Philippines — Arestado ang isang misis at lover nito makaraang mahuli ni mister na ng hubo’t hubad at magkasiping sa isang motel sa mismong Araw ng mga Puso sa lungsod ng Cotabato.
Sa inisyal na ulat ng Cotabato City Police, ang ginang na itinago sa pangalang Karla, 22-anyos ay nakipagtagpo umano sa kalaguyo nito na isang 18-taong gulang na lalaki na itinago sa pangalang “Marlon” na taga South Upi, Maguindanao del Sur upang magdiwang ng Valentine’s day sa kanilang kataksilan.
Gayunman, dahil naghihinala ang nasabing mister na si alyas “Marlon” sa mga naririnig na tsismis na nanlalalaki ang asawa ay lihim niya itong tiniktikan. Nabasa ng mister sa cellphone ng misis na makikipagkita ang huli sa kanyang kalaguyo sa isang motel sa Cotabato City.
Dahil dito, pinigil ng nasabing mister ang kaniyang galit at sinundan ang misis hanggang sa kitang-kita nito na papasok ang magkalaguyo sa motel at panay pa ang kanilang ang lambutsingan.
Dito na humingi na ng tulong ang mister sa pulisya para hulihin ang taksil niyang asawa at lalaki nito. Pagdating sa motel, dito na nila naaktuhan na kapwa hubo’t hubad na magkasiping sa kama ang misis at lover nito.
Labis pang ikinagalit ng naturang mister nang madiskubre na isinama pa ng kanyang misis ang kanilang anak na pinatulog nito sa kabilang kuwarto habang nakikipagtalik sa kaniyang kalaguyo.
- Latest