Mister tinodas sa loob ng kotse sa Cavite
MANILA, Philippines — Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng ‘di nakilalang salarin ang isang 43-anyos na Mister habang lulan ng kaniyang pickup truck at papasok na sana sa gate ng kanilang tahanan sa mismong Araw ng mga Puso sa bayan ng Tanza, Cavite
Kinilala ang biktima na si Melvin “Soy” Blanca, 43-anyos, may asawa at residente ng Brgy. Amaya 2, Tanza, Cavite.
Hindi naman nakilala ang suspek na nakasuot ng puting t-shirt at maong pants na mabilis tumakas matapos ang pagpatay sa biktima.
Sa imbestigasyon ng pulisya, alas-10:15 ng gabi habang minamaneho ng biktima ang kanyang Toyota Hilux (DBM 3920) at minamaniobra na papasok sa gate at parking area ng kanilang bahay nang biglang sumulpot ang armadong suspek at agad siyang pinagbabaril.
Nang makitang napuruhan ang biktima, mabilis na tumakas ang suspek bitbit ang gamit na armas sa pamamaril.
Nagsasagawa na ng dragnet operation ang pulisya para sa ikaaaresto ng suspek at inaalam din ang motibo sa krimen.
- Latest