^

Police Metro

Pantay na karapatan at oportunidad ng bawat pamilyang Pinoy, isusulong

Pang-masa

MANILA, Philippines — Isusulong ng Pamilya Ko Partylist sa isinagawang kick off sa multi purpose hall sa Barangay Isidro,Tanay ang pantay na karapatan at oportunidad sa bawat mo­dernong pamilyang Pinoy.

Ito ang  kauna-unahang pagkakataon na mayroon nang mangangalaga sa kalusugan at trabaho ng mga surrogate parents, mga pamilyang naiiwan sa pag-unlad sa hanay ng mga OFWs, LGBTQI at single parents sa bansa.

Sinabi ni Atty. Anel Diaz first nominee ng Pamilya Ko Partylist, prayoridad nila na isentro ang atensyon sa mga nabanggit dahil sila ang mga nakakalimutan at naiiwan na makatanggap ng serbisyo ng pamahalaan.

“Kami ang grupong may isang salita, walang pambobola at tunay na pamilya na maaasahan ng mga taong naiiwanan sa pag-unlad, mga taong kulang sa suportang medikal at trabaho”,” wika ni Atty. Diaz.

Sinabi rin ni 2nd no­minee Miguel Kallos na una ay isang foundation lamang ang Pamilya Ko partylist at pinalawak nila ito at itinataguyod sa Kongreso para sa mas higit na serbisyo sa mga nabanggit.

Anya, ang acronym nila ay Lovable dahil sila ay totoo, tapat at may puso na handang maglingkod.

KARAPATAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with