PCO acting secretary Cesar Chavez, pahinga muna
MANILA, Philippines — Kinumpirma ni acting Presidential Communications Office (PCO) secretary Cesar Chavez na magbabakasyon muna siya sa susunod na linggo ngunit hindi binanggit kung ano ang dahilan.
Sinabi ni Chavez na itinalaga ng Palasyo ng Malakanyang si PCO Senior Undersecretary. Emeral Ridao bilang officer in charge simula Pebrero 17 hanggang 21.
Si Ridao aniya ang mamahala muna sa pang araw-araw operasyon ng PCO at kung kinakailangan ay kikilos para sa kanya.
Nilinaw naman ni Chavez na dapat ay noong Setyembre pa siya naka takdang magbakasyon subali dahil budget season ay hindi ito natuloy.
- Latest