14-anyos estudyante na ‘nag-overnight’ sleep, na-rape
MANILA, Philippines — Isang 39-anyos na lalaki ang inaresto matapos ireklamo nang panggagahasa diumano sa isang 14-anyos na babaeng nakitulog sa bahay ng kaniyang nobyo, sa Parola Compound, Binondo, nitong Martes.
Nakatakdang isalang sa inquest proceedings sa Manila Prosecutor’s Office ang suspek na si alyas “Dennis”, residente ng Parola Compond, Binondo sa reklamong Rape o paglabag sa Republic Act 8353.
Sa ulat ng Manila Police District-Del Pan Police Station 12, dakong alas-12:45 ng hapon ng Pebrero 11 nang maganap ang insidente ng pang-aabuso sa estudyante ng Jose Abad Santos High School, Area B, Gate 52, Parola Compound.
Batay sa imbestigasyon, nakatulog ang biktima sa bahay ng kaniyang nobyo at nagising nang maramdamang may umaabuso na sa kaniyang pagkababae.
Nagkunwari pa umano ang suspek na aalukin lamang siya ng pagkain. Agad na naghain ng reklamo ang biktima na nagresulta sa pagkadakip ng suspek sa isinagawang follow-up operation ng mga tauhan ng otoridad.
- Latest