^

Police Metro

2 holdaper todas sa shootout

Ed Amoroso, Mer Layson - Pang-masa

Nambibiktima ng mga online sellers ng mga alahas...

MANILA, Philippines — Dead on the spot ang dalawa sa tatlong suspek na sinasabing nambibiktima umano ng online seller ng ginto at alahas matapos na manlaban sa isang entrapment operation sa loob ng isang resort sa Angono, Rizal, kamakalawa ng hapon.

Inaalam pa ng mga otoridad ang pagkaka­kilanlan ng mga napatay na suspek.

Samantala, naaresto naman ang kanilang kasamahan na si alyas Patrick, 25, ng Meycauayan, Bulacan.

Sa ulat ng CIDG Rizal PFU, alas-12:25 ng tanghali nang maganap ang engkwentro sa loob ng isang resort sa Sitio Sakura, Brgy. Mahabang Parang, Angono.

Ayon kay Lt. Col Raymond Nicholas, CIDG-Rizal head, marami na silang natatanggap na reklamo hinggil sa iligal na operasyon ng mga suspek kung saan umupa umano sila ng pribadong resort at sa loob ng resort isasagawa ang kanilang modus.

Kaya’t isinagawa ng mga operatiba ng CIDG Rizal ang entrapment ope­ration laban sa naturang robbery hold-up group.

Gayunman, nakahalata umano ang mga suspek at sa halip na sumuko ay nanlaban umano ang mga ito na nagresulta ng kanilang kamatayan.

SHOOTOUT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with