Comelec sinimulan na ang ‘Oplan Baklas’

MANILA, Philippines — Sa pagsisimula ng kampanya ay opisyal nang inilunsad ng Commission on Elections (Comelec) kahapon ng madaling araw ang ‘Oplan Baklas’ o ang pagtanggal ng illegal campaign materials.
Nagsimula ang sabay-sabay na operasyon kung saan ang iba’t ibang lokal na tanggapan ng Comelec at partner agencies ang nanguna sa kanilang sariling operasyon.
Mismong si Comelec Chairman George Erwin Garcia at iba pang opisyal ng poll body ang nanguna sa operasyong isinagawa ng poll body sa Tondo, Manila.
Aminado naman si Garcia na hindi nila maaaring alisin ang mga campaign materials na nakapaskil sa private properties dahil ang mga ito ay protektado aniya ng karapatan ng mismong may-ari ng naturang ari-arian.
Pinaalalahanan din naman ni Garcia ang mga kandidato na sundin ang tamang sukat ng mga campaign materials at ipaskil lamang ang mga ito sa designated common poster areas upang makaiwas sa parusa.
- Latest